P1.255B pondo para sa UP-Mindanao, aprub na

APRUBADO na sa Kamara ang panukalang P1.255 bilyon supplemental budget para sa University of the Philippines Mindanao.

Ikinatuwa ni Davao City Rep. Karlo A. B. Nograles, pangunahing may akda ng House Bill 3076, ang ginawang pag-endorso ng House Committee on higher and technical education na pinamumunuan ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara sa nasabing dagdag na pondo.

Ang naturang panukala ay bilang ayuda na rin sa inilatag na UP-Mindanao Medium Term Development Plan para sa taong 2011 hanggang 2014.

“The development of human resource through education is key to enhanced and sustained socio-economic progress in Mindanao,” diin ni Nograles.

Naniniwala ang kongresista na kinakailangan ang sapat na pondo ng Unibersidad para sa mga proyekto at imprastruktura upang maabot ang mandato at tina-target nito sa mga susunod na taon.

“In view of the institution’s umbilical ties to the development efforts of the Mindanao community, it has to be supported by funds over and above what it normally shared in the Internal Operating Budget of the U.P. System as covered in the annual General Appropriations Act,” dagdag ng kongresista.

Umaasa si Nograles sa positibong pagtugon ng buong Kapulungan at makikiisa sa agarang pagtitibay ng naturang supplemental budget.

Ginarantiya naman ni Angara ang pagtutulak ng mga polisiyang pang-edukasyon upang hindi mapag-iwanan ang Mindanao at mabalanse ang pag-unlad sa buong bansa.Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply