P1.255B supplemental budget sa UP-Mindanao aprubado na

APRUBADO na sa Kamara ang panukalang paglaanan ng P1.255 bilyong supplemental budget ang University of the Philippines-Mindanao.

Ikinatuwa ni Davao City Rep. Karlo A. B. Nograles, pangunahing may akda ng House Bill 3076, ang ginawang pag-endorso sa nasabing dagdag na pondo ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara.

Ang naturang panukala ay biglang ayuda na rin sa inilatag na UP-Mindanao Medium Term Development Plan para sa mga taong 2011 hanggang 2014.

“The development of human resource through education is key to enhanced and sustained socio-economic progress in Mindanao,” diin ni Nograles.

Naniniwala ang kongresista na upang maabot ng UP-Mindanao ang mandato at ang tinatarget nito sa mga susunod na taon, sadyang kinakailangan ang sapat na pondo para sa mga proyekto at imprastraktura.

Umaasa si Nograles sa positibong pagtugon ng buong Kapulungan at makikiisa sa agarang pagtitibay ng naturang supplemental budget.

Ginarantiya naman ni Angara ang pagtutulak ng mga polisiyang pang-edukasyon upang hindi mapag-iwanan ang Mindanao at mabalanse ang pag-unlad sa buong bansa. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply