P1 dagdag sa minimum fare lang

IPINALIWANAG ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa publiko na wala silang ipinatupad na dagdag pasahe sa susunod na kilometro ng mga biyahe ng pasahero.

Ayon kay PISTON Secretary General George San Mateo, ipapataw lamang nila ang pisong dagdag singil sa pamasahe sa minimum fare na mula P7 ay magiging P8 na ngayong araw ng Miyerkules.

Alam na umano nila na malaking pasanin sa mga pasahero ang dagdag na singil sa susunod na kilometro ng biyahe.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin sa publiko ang jeepney transport group sa pagpapataw ng fare hike dahil malaki na rin ang itinaas ng presyo ng diesel na kanilang ginagamit kaya napapanahon na umano para sila ay makabawi at kumita.

Aniya nakatulong din sa kanilang mga driver ang pisong dagdag singil sa pasahe na makaaagapay sa gastusin sa kanilang pamilya.

Sinabi ni San Mateo na hindi ang pagtaas sa pamasahe ang tugon para mabawasan ang epekto ng oil price hike.

Iginiit ni San Mateo na political will ang solusyon para makontrol ang presyuhan ng langis sa bansa.

Panahon na umano na iregulate ng pamahalaan ang industriya ng langis upang hindi na tumaas nang husto.

Nanlulumo si San Mateo dahil sakaling magtuloy-tuloy ang pagtaas ng langis ay siguradong kakainin lamang nito ang pisong dagdag sa singil sa pamasahe. Johnny F. Arasga/Photo by Fenny Pineda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply