P1-M ancestral house sa QC nasunog

TINATAYANG aabot sa P1 milyon na ari–arian ang naabo nang tupukin ng apoy ang isang ancestral house sa Quezon City, Lunes ng madaling araw, Pebrero 28.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Quezon City, bandang 2:51 ng Lunes ng madaling araw ng masunog ang isang ancestral house sa Gen. Lim st., Heroes Hill,Sta Cruz ng nasabing lungsod

Sinabi ni Senior Fire Officer 1 Rosendo Cabillan, arson investigator nilamon ng apoy ang two-storey house na pag-aari ng isang Robert Co.

Umabot sa second alarm ang naturang sunog at ideneklarang “fire out” dakong 3:52 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, napag-alamang nagsimula ang sunog sa likod ng bahay ng pamilya Co at mabilis na kumalat sa buong kabahayan.

Wala naman iniulat na nadamay o nasugatan sa naturang sunog.

Napasugod din sa nasabing sunog si Rep. Bingbong Crisologo ng unang distrito na nakatira ilang metro lamang sa nasusunog na bahay ng pamilya Co.

Samantala, naisalba naman ang ilang alagang hayop. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply