P1-M pabuya sa killer ng adviser ni Abalos

MAGBIBIGAY ng P1-milyon pabuya si Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang maaresto ang bumaril at pumatay sa kanyang political adviser noong nakaraang Biyernes ng gabi.

Sinabi ngayon (Martes, Pebreo 8) ni Jimmy Isidro, chief public information officer ng city hall, na personal na pera ni Abalos ang nasabing pabuya.

Nagpasya umano ang alkalde na magbigay ng reward money upang mapabilis ang paglutas ng lokal na kapulisan sa pagkamatay ni Joselito Torres, 47, chief political adviser at matalik na kaibigan ni Abalos.

Si Torres ay binaril ng salarin sa harap ng E. Line Digital Printing and Internet Café sa Barangka ave. habang hinihintay ang kanyang misis.

Naniniwala ang pamunuan ng pamahalaang-lungsod na ang asasinasyon kay Torres ay may bahid ng pulitika.

Bumuo na si Chief Supt. Francisco Manalo, hepe ng Eastern Police District (EPD), ng Special Task Group na tututok sa nasabing kaso. Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply