P125M pondo ng Taguig para sa libreng kolehiyo

NAGLAAN ng P125 milyong pondo ang pamahalaang lokal ng Taguig City para sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga estudyanteng residente ng lungsod.

Ito ang inihayag ni Mayor Lani Cayetano makaraang pangunahan ang pagpapakasal sa 132 magkabiyak sa kasalang-bayan o “Valentine Wedding Special” nitong Araw ng mga Puso sa harap ng Taguig City Hall.

Sinabi ni Cayetano na ang paglalaan ng pondo ay upang matiyak ang edukasyon ng mga anak at magiging anak ng mga magsing-irog na naninirahan sa lungsod.

Bukod dito, naglaan din ang lokal na pamahalaan ng P100 milyong pondo para sa pagbibigay ng scholarship sa mga kuwalipikadong estudyante sa iba’t ibang unibersidad na nais pasukan ng mga ito.

Inisponsoran ng pamahalaang lungsod ang pagpapakasal ng mga magkabiyak upang mapatatag ang relasyon lalo na ng mga matagal nang nagsasama at marami nang anak ngunit wala pang basbas ng simbahan.

Ang lokal na pamahalaan na ang sumagot sa bridal bouquets, aras,  alak, wedding cake, wedding photo at regalong bigas at P2,000 cash sa mga bagong mag-asawa. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply