P128M ninakaw sa AFP, na-withdraw ni Garcia

MAHIGIT P128 milyon halaga ng pondong ninakaw sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang na-withdraw ni dating AFP comptroller ex-Gen. Carlos Garcia sa ilang bangko nang hindi nalalaman ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Ito ang ibinulgar Huwebes, Pebrero 3 ni Sen. Franklin Drilon sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng plea bargaining agreement ni Garcia sa Senado sa pangunguna ng Senate blue ribbon committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III.

Sinabi ni Drilon na inamin ng AMLC na nakuha ni Garcia ang naturang halaga sa loob ng apat na araw noong 2004 bago magpalabas ng freeze order ang Court of Appeals sa lahat ng bank account ng dating heneral at pamilya nito.

Ayon kay Vicente Aquino,  executive director ng AMLC, na kinuha ng pamilya Garcia ang naturang halaga mula October 5 -8 bago magpalabas ng freeze order ang korte.

Ngunit, tumanggi naman si Garcia na sagutin ang katanungan ni Drilon hinggil sa nawawalang pondo ng AFP saka ginamit ang karapatan nito alinsunod sa Saligang Batas hinggil sa Right against self-incrimination.

Sinabi pa ni Drilon na nagkaroon ng irregularidad sa pamamaraan nang pasukin ni Garcia ang plea bargaining agreement na may pag-amin ang state prosecutor na may kondisyon na maibalik ang nawawalang P128 milyon na hindi nagawa ni Garcia bago pumaloob sa naturang kasunduan sa plea bargain.

Inihayag naman ni Aquino na isinumite na nila sa Ombudsman ang lahat ng bank records sa multi-milyong pondo ng militar na kinuha ni Garcia pero hindi maibigay ng state prosecutor kung bakit hindi naisama ang naturang halaga sa plea bargain kahit may ebidensiyang iniharap sa kanila. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply