P146M badyet ng DPWH sa mga project inspector

TUMATAGINTING na P146 milyon ang kabuuang halagang paghahatian ng mga mananalong kumpanya sa bidding para sa mag-iinspeksyon at magtitiyak ng kalidad ng mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nagsimula na ng pagsusumite ng mga aplikante sa bids and awards committee ng DPWH para sa kanilang 2011 Annual Procurement Plan para sa consultancy services  ngayung buwan ng Pebrero.

Pangunahing  gawain ng mananalong mga kumpanya ay ang pagtitiyak na wasto ang lahat ng aspeto ng konstruksyon ng mga kontraktor ng nasabing kagawaran.

Ang pinakamalaking badyet ay nakalaan sa mga tagapayo sa Visayas at Mindanao na umabot ng P53.90 milyon.

Ang sumunod ay sa Luzon, na umabot sa P51.975 milyon, at ang huli ay P41 milyon para sa mga proyekto sa Metro Manila, partikular ang  konstruksyon ng C-3 (G.Araneta Ave. at Quezon ave. interchange) at Sgt. Rivera at A. Bonifacio ave. interchange.

Sa darating na Marso malalaman ang mga mapipiling kumpanyang sumali sa bidding. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply