P2B ari-arian ng pamilya Dominguez ipinapasilip sa AMLAC

HINIMOK ni Atty. Oliver Lozano ang Anti-Money Laundering Council (AMLAC) na huwag ipagalaw ang P2-bilyon ari-arian ng pamilya Dominguez, pangunahing suspek sa carnapping sa bansa.

Sa Lingguhang Kapihan sa Sulu News Forum, partrikular na tinukoy ng matandang Lozano ang grupo nina Raymond at Roger Dominguez na itinuturong utak sa pagpatay sa kanyang anak na si Emerson.

Sinabi ni Lozano na may natanggap siyang ulat na uubusin umano ng pamilya Dominguez ang kanilang ari-arian upang labanan at maipanalo ang kasong carnapping na may kasamang pagpatay.

Malaki ang paniwala ni Atty. Lozano na sapat ang kakayahan ng AMLAC upang matukoy ang pinagmumulan ng mga kwestyunableng kayamanan ng mga Dominguez.

Nanawagan din si Lozano sa administrasyong Aquino na isailalim sa witness protection program ang lumutang na testigong si Alfred Mendiola dahil sa mga natatanggap na death threats.

Ang magkapatid na Dominguez ay positibong itinuro ni Mendiola na utak sa pagpatay sa isa pang car dealer na si Venson Evangelista. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply