Dagdag alokasyon sa kongresista pasado na

IPINASA sa ikatlo at pinal na pagbasa  ang  HB 4069 na naggagarantiya  na  may P20 milyon hanggang  P30 milyong  alokasyon sa bawat kongresista kabilang na ang mga party-list representatives at  P60 milyon  karagdagang  alokasyon naman para senador mula sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC).

Inakda  ito ni House  Deputy  Minority Leader  at  3rd district of Iloilo Rep. Danilo Suarez  na naglalayong amyendahan  ang  probisyon  sa  disbursement  of funds  sa  Motor Vehicle User’s Charge Law.

Ayon kay Suarez,  gusto lamang  nitong itama ang paggagamitan ng kahinaan ng nasabing batas upang mas lalo itong kapaki-pakinabang  para sa mga motorista.

Tinukoy nito ang alokasyon ng  “engineering maintenance per kilometer” sa kani-kanilang lugar upang maramdaman ng  mga  motorista ang development ng mga kalsada mula sa kanilang binabayarang  buwis.

Sakop din ng nasabing pondo ang anti-flood safety and sewerage hindi na lamang ang mga lansangan sa national, provincial at munisipyo kundi pati na rin sa mga urban areas.

Nilinaw  din ni  Suarez na ang hindi maging karagdagang congressional fund ang nasabing pondo  para sa kanila dahil kanila ring ibibigay ito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang mag-iimplementa ng nasabing proyekto mula sa nasabing pondo.

Ang Congressional fund sa kasalukuyan ay P70 milyon bawat kongresista.

Sa ginanap na botohan sa  plenaryo noong gabi ng  Martes  ay  umani ng  195 boto ang nasabing  panukala laban sa apat lamang na ayaw nito.

Tanging sina Party-list Reps. Teddy Casiño (Bayan Muna), Emmi de Jesus (Gabriela), Raymond Palatino (Kabataan) at Antonio Tinio (ACT Teachers) ang nag-oppose  sa nasabing panukala.

Ikinatwiran ni  Casino na maraming anomalya sa paggamit ng Road User’s Tax dahil sa expose na at imbestigasyon sa Senado ang nagpatunay nito.

Inaayawan ng solon ang pag-convert ang MVUC funds na parang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel dahil hindi aniya ito solusyon sa problema.

Ikinumpara nito sa paglipat ng tubig mula sa isang baldeng may isang malaking butas sa isa pang baldeng may maraming maliliit na butas.

“The net effect is that these leakages and opportunities for anomalies will not be plugged. There are not enough safeguards to assure us that the system we are creating is any better than what is already there,” dagdag pa nito.

Sa halip aniyang  tanggalin na ang  pork  barrel  system  sa bagong administrasyon ay lalo pang nadagdagan na salungat sa bukambibig ng Pangulong Aquino na “tuwid na daan.” Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply