P20-M float funds ng AFP kinulimbat ni Garcia

PANIBAGONG P20-milyon pondo ng militar ang nabulgar na kinulimbat ni dating AFP comptroller Gen. (ret.) Carlos Garcia.

Ang nasabing pondo ay ang tinaguriang “float funds” na nakalaan sana para sa personal at operational expenses ni dating AFP chief at Energy Secretary Angelo Reyes at iba pang heneral.

Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III, inihayag ni dating AFP budget officer Lt. Col. George Rabusa na ang nasabing halaga ay napunta kay Garcia.

“Nang hawakan ko ang budget division, mayroong naiwang P20 milyon cash sa isang vault na parang isang reserved fund na intended for personal and operational expenses ng mga opisyal sa itaas mula sa chief of staff hanggang sa J6,” ayon kay Rabusa.

Aniya, kailangang palaging sapat sa halagang P20 milyon ang naturang pondo. Oras umanong nabawasan ito ay dapat punuan.

Kinukuha umano ang pampuno sa pondo mula sa pampasuweldo sa mga sundalo sa ilalim ng “personnel services” at sa intelligence fund.

“It contains in a vault na may P20 million cash na once bumaba, wala na akong perang gagamitin para maraming requirements mula sa itaas,” sabi ni Rabusa. “Kaya’t kailangan nang mag-convert mula sa personnel services and intelligence funds.”

Sinabi pa ni Rabusa na nang ma-relieve siya bilang budget officer ng AFP, kaagad niyang ibinigay ang naturang pondo kay Col. Antonio “Sonny” Lim.

“Nang ma-relieve ako, I turned it over to Colonel Lim,” ayon kay Rabusa na ang tinutukoy ay ang  P20-milyon float funds.

Nang tanungin ni Guingona si Lim kung totoo ang sinabi ni Rabusa, sumagot ang opisyal ng militar ng: “I confirm it, Your Honor, and I reported it to General Garcia that I received an amount of P20 million from Colonel Rebusa.”

“And Gen. Garcia told me to turn over to him the amount and he will take charge over the amount,” giit ni Lim.

Tumanggi si Garcia na kumpirmahin ang akusasyon. Tulad ng dati, ginamit niya ang kanyang karapatan na “against self-incrimination” dulot ng nakabimbin na plea bargain agreement na nakahain sa Sandiganbayan.

“Honorable chair, since I have a pending plea bargaining agreement, facilitating money laundering and forfeiture cases filed against me… again, I invoke my right against self-incrimination,” giit ni Garcia. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply