P25-M cocaine nasabat sa Quezon City

NASAMSAM ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang limang bricks ng cocaine na nagkakahalaga ng P25 milyon sa isang buy-bust operation, Linggo ng madaling-araw, Pebrero 6 sa isang motel sa Quezon City.

Sinabi ni PDEA Director General Jose Gutierrez na isinagawa ang operasyon sa isang motel sa Timog Avenue kung saan isang PDEA agent ang nagpanggap na bibili ng  cocaine sa mag-asawang sina Jessie Abuyong at Maria Lorejas.

Nang magkasundo na aniya sa transaksyon ay saka nila inaresto ang dalawang suspek na nahulihan ng cocaine. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply