P3-bilyon dagdag na badyet sa population control ‘sayang’

HINDI dapat sinasayang ng gobyerno ang buwis ng taumbayan sa pagkampanya para sa paggamit ng artipisyal na paraan ng pagpaplano ng pamilya na isinusulong sa ilalim ng Reproductive Health Bill, ayon kay  House Assistant Majority Leader Karlo Alexei Nograles.

Sinabi ng kongresista mula sa Davao City na mali ang pagbuhos ng milyung-milyong piso mula sa kabang-bayan dahil mula sa mga kumpanyang gumagawa ng contraceptives tulad ng condom.

Binatikos din ni Nograles and paggamit ng mga kilalang personalidad tulad ng aktor na si Robin Padilla upang itulak ang paggamit ng artificial contraceptives.

“There is already an intense advertising war among condom manufacturers even with the absence of the so-called Reproductive Health Law. This is an unmistakable proof that the Reproductive Health bill is immaterial, irrelevant and a complete waste of time and taxpayer’s money,” ayon kay Nograles.

Inihayag  din ni Nograles ang kanyang pagkadismaya  sa  naging pag-apruba ng Kamara sa paunang P3-bilyon alokasyon para sa RH bill.

“Spending P3 billion for so-called population management will only make condom manufacturers even richer and our people even poorer because their taxes are wasted on condoms and pills instead of using the money for their livelihood,” punto ni Nograles.

Sinabi pa ng kongresista na may nauna na ring inilaang P400-milyon pondo noong Oktubre ng nakaraang taon ang gobyerno para ipambili ng mga condom at iba pang contraceptives bilang suporta sa population management program nito.

“Allocating an additional P3 billion for this is already an overkill,” giit ni Nograles.

“Are we a nation of sex maniacs that we need P3 billion to buy condoms and pills? I no longer see this as a promotion of responsible parenthood but an open endorsement for condom-makers,” dagdag ng mambabatas.

Naninindigan din si Nograles na hindi na kailangan ng bansa ang batas sa reproductive health sapagkat malaya namang nakapagdedesisyon ang mga mag-asawa kung gaano kalaki ang kanilang magiging pamilya.

Bukod dyan, hindi naman aniya ipinagbabawal ng Konstitusyon o anumang batas na bumili ng contraceptives.

“ While I have no question as to the nobility on the intentions of those pushing for the RH measure, I still believe that there’s no need for us to be enacting a law that is basically unnecessary since population management has long been a government policy,” hirit ni Nograles.

“Putting a penal provision only complicates things as this goes against the very essence of free choice,” ayon sa kongresista. Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply