P300M kinulimbat ni Ligot sa AFP, ipinasa sa bayaw – Drilon

MAY karagdagang P300-milyon sa kinulimbat si dating Armed Forces comptroller Jacinto Ligot na itinago nito sa pangalan ng kanyang bayaw.

Ibinulgar ni Sen. Franklin Drilon ang halaga ay nasa deposito sa bangko, maluluhong sasakyan at condominium units.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Drilon na umabot sa mahigit P300 milyon ang halagang nakapangalan ni Edgardo T. Yambao, kapatid ng asawa ni Ligot na si Erlinda Ligot.

Ayon kay Drilon, lumilitaw sa mga rekord ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang naihain na Income Tax Return (ITR) si Yambao nitong mga nakaraang taon.

Posible umanong walang hanapbuhay o negosyo si Yambao sa kabila ng pagkakaroon nito ng multi-milyong-pisong ari-arian.

“Kami po ay nagtataka na walang income ang inyong brother-in-law pero nakabili siya ng mamahaling sasakyan at mamahaling condominium,” ayon kay Drilon patungkol kay Yambao na kinumpirma ni Ligot na kapatid ng kanyang kabiyak.

Sinabi ni Drilon na nakapagdeposito si Yambao ng halagang P1.4-milyong sa isang bangko noong 1999 pero wala itong nakatalang ITR sa BIR “kasi wala siyang income.”

Nakabili din umano si Yambao ng halagang P2-milyon Toyota Highlander noong Nobyembre 2001.

Bukod dito, nakabili din umano si Yambao ng halagang P1.174-milyong Subaru Forester noong Hulyo 2002.

“Masyadong misteryoso ang bayaw ni Ligot,” ani Drilon. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply