P34.3M pekeng Jag, Tribal products sinamsam ng NBI

NASAMSAM ng operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Sabado, Pebrero 5, ang P34 milyon halaga ng mga pekeng Jag at Tribal products nang salakayin ang 12 stalls sa Pasay City.

Isinagawa ang raid matapos maghain ng reklamo si Beatriz Yonzon, Vice President for Administration ng Fil-Pacific Apparel Corporation at Core Lifestyle Clothing Inc.

Kabilang sa sinalakay ng awtoridad ang dalawang establisimyento ng Vinzon Ong, sa Rooms 217 at 311, ng JB Building sa Baclaran; Stall S-95 at Stall C-01 sa Baclaran LRT Terminal Plaza 2 Shopping Mall; Melchor Denims Collection sa Fire Building sa Taft Avenue; 10th Stall sa Pasilio B Fire Building sa Taft Avenue; at JK Jeans Stall 1B29, JK Jeans Stall 1A50, Stall 1B26, Stall 1C25, Stall 1A48 at Stall 1D07 sa New Baclaran Galleria Mall.

Sa ulat ng NBI- Intellectual Property Rights Division kay NBI Director  Magtanggol Gatdula, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 28,641 pares at piraso ng pekeng pantalon at t-shirts, pawang may tatak na Jag at Tribal at tinatayang aabot ang halaga sa P34,369,200.

Isinagawa ng NBI ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Amor Reyes ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 21. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply