P35M shabu nasamsam, 3 Chinese arestado

ARESTADO ang tatlong Chinese national habang nasamsam ng operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang tinatayang P35 milyon halaga ng Shabu sa isinagawang drug bust operation sa Parañaque City, iniulat Huwebes ng umaga, Pebrero 24.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, 6:30 p.m. kahapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang PNP-Regional Anti Illigal Drug Task Forces (PNP-RAIDTF) sa Better Living Subdivision, Parañaque City.

Nadakip ang tatlong Chinese nationals at nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang may 8.5 kilo ng shabu na may street value na P35 milyon at dalawang sasakayan na kinabibilangan ng isang Toyota Fortuner at Toyota Camry, hinihinalang ginagamit sa illegal drug trade.

Hindi muna pinangalanan ang mga suspek na hinihinalang nagmula pa sa China at kasapi ng isang big time organized drug ring. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply