P40M ‘pasalubong’ sa PNP kinumpirma ni Lacson

HINDI lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nangyayari ang talamak na paglulustay ng pondo ng bayan, kundi maging sa Philippine National Police (PNP) matapos kumpirmahin ng dating hepe ng pulisya ang P40M “pasalubong.”

Sa ipinadalang statement, sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na tinabla niyang tanggapin ang P40 milyon  “pasalubong” kada taon nang maluklok bilang chief PNP noong 1999 na nakatago bilang “commander’s reserve.

Ibinulgar pa ni Lacson na bukod sa naturang taunang pasalubong, naglalaan din umano ang PNP ng gas allowance sa hepe ng pulisya na katumbas ng konsumo ng 50 sasakyan kahit tumakbo ang kanyang kotse sa loob ng 24 oras.

Bukod dito, binibigyan din umano siya ng high limit credit card na may impormasyon na maaari niya itong gamitin para sa personal o opisyal na pangangailangan.

Bilang suporta sa namimintong imbestigasyon sa PNP pabaon system, hinikayat ni Lacson si Pangulong Benigno Aquino III na magsagawa ng malalim at malawakang pagtutuos sa lahat ng ginastos at gastusin ng lahat ng ahensiya at instrumentalidad ng pamahalaan.

“Beyond those borders, I call on President Benigno Aquino III to seize this unusual opportunity of his time, highlighted by Heidi Mendoza and the supreme sacrifice inflicted by Gen Angelo Reyes upon himself, by  including all other agencies of the national government in an extensive accounting of how the taxpayers’ money are being spent. I am afraid, this opportunity will not present itself again even in the next one hundred years,” aniya. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply