P6.40 pasahe sa jeep ng mga estudyante, senior citizens

NILINAW ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na P6.40 lamang ang magiging singil sa pamasahe ng mga pampasaherong jeep para sa mga mag-aaral at senior citizens.

Ang hakbang ay ginawa ng LTFRB nang ipatupad na kanina, Miyerkules ang P8.00 minimum fare sa jeep mula sa dating P7.00

Ayon sa LTFRB, ang mga mag-aaral at mga matanda ay entitled sa 20 percent  discount sa mga jeep kaya nararapat na P6.40 lamang ang singil sa kanila.

Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB board member Manuel Iway na bukas ang tanggapan ng LTFRB para tumanggap ng mga reklamo at sumbong laban sa mga abusadong driver na masyadong mataas maningil ng pamasahe.

Maaari anyang makansela ang prangkisa bukod sa multa ang maaaring igawad sa mga pasaway na operator ng jeep at driver kapag hindi sumunod sa nasabing kautusan. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply