P740M nakulimbat ni Ligot sa AFP – Drilon

HINDI kayang itanggi ni dating military comptroller ex-Gen. Jacinto Ligot ang mahigit P740 milyon na nakulimbat nito sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon kay Sen. Franklin Drilon.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa “pabaon system” sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona III, ibinulgar ni Drilon na naunahan ni Ligot na kunin ang malaking bahagi ng naturang halaga bago matuklasan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sinabi ni Drilon, nakakuha siya ng dokumento sa isang korte sa Makati City na nagsasabing may mga bank account si Ligot sa Citibank, Philipping Savings Bank (PSBank ) at AFPLAI na nagsasabing multi-milyong dolyar at pesos ang nakadeposito sa pangalan ng naturang heneral.

“Base sa records ng korte, mayroon kang (Ligot) cash deposit in dollars and pesos, just cash in the amount of P740 million in various accounts with specific account numbers excluding real estate properties which was mentioned by Sen. Jinggoy Estrada,” ayon kay Drilon.

Hindi naman sumagot si Ligot sa akusasyon ni Drilon dahil ginamit niya ang kanyang karapatan sa ilalim ng Saligang Batas hinggil sa “right against self-incrimination.”

“Your Honor, because of a pending case before the court, I hereby invoke my right against self-incrimination,” ayon kay Ligot.

Ayaw din aminin ni Ligot na nakahain ang naturang mga dokumento sa isang korte sa Makati hinggil sa forfeiture case na isinampa laban sa naturang heneral.

Ayon kay Drilon, naideposito ni Ligot ang naturang halaga mula 2001- 2005 sa kabila nang sumasahod lamang ito ng halagang P30,000 hanggang P35,000 bilang heneral sa AFP.

“How did you accumulate such amount when you got only P30,000 to P35,000 (a month) in salaries,” ayon kay Drilon.

Binanggit pa ni Drilon na imposibleng magkaroon ng ganitong halaga ng salapi si Ligot dahil walang matitibay at malalaking negosyo ang sinumang miyembro ng pamilya nito na maaaring makapag-deposito ng naturang halaga.

“This was not reported in his Statement of Assets and Liabilities submitted to the Commission on Appointment when he was confirmed as general,” paliwanag ni Drilon.   Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply