P80-M payola kay Cimatu pinanindigan ni Rabusa

PINANINDIGAN ni retired Lt. Col. George Rabusa, dating budget officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na naghatid siya ng multi-milyong “payola” kay dating AFP chief Roy Cimatu na tinanggap ng chief executive assistant nito noong kasagsagan ng pananalasa ng Abu Sayyaf Group sa Mindanao.

Sa kanyang muling pagdalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa korapsiyon sa AFP, ipinakita ni Rabusa ang ilang detalyadong dokumento  na nagpapatunay na naghahatid siya ng P10 milyon kada linggo kay Lt. Col. Benito de Leon.

Si De Leon ang chief executive assistant ni Cimatu na nagkumpirma na kanyang lagda ang nakalagay sa dokumentong ipinakita ni Rabusa sa komite.

“What I said in my affidavit (is) that I am just obeying instructions. Kami ang Central Bank noon, nagpapa-relieve na nga ako eh. Kaya kapag sinabi sa amin na magbigay ng ganitong halaga, bigay lamang kami,” giit ni Rabusa.

Sinabi pa ni Rabusa na mismong si De Leon ang tumawag sa kanyang tanggapan at humihingi ng P10 milyon na pinabulaanan naman ng dating chief executive assistant ni Cimatu.

“Total lie (pagtanggi ni De Leon). He first called me up and asking for P10 million, over and above the P5 million they are receiving for the operational requirements of the office of the chief of staff,” paliwanag ni Rabusa.

Sa kanyang statement, inamin naman ni De Leon na tinanggap niya ang P10 milyon kay Rabusa na nagpapatunay sa kanyang lagda sa resibo na ipinakita nito sa komite ng ilang beses ngunit ginamit ito sa operational at administratibong pangangailangan ng tanggapan ni Cimatu.

“Tinanggap ko ang P10 milyon to attend the operational and administrative requirements of the office of the chief of Staff and ensure to disburse the same according to the accounting and auditing procedures,” ayon kay De Leon.

“Hindi lamang isa, dalawa at tatlong beses (akong tumanggap ng P10 milyon kay Rabusa),” dagdag pa ni De Leon.

Kinumpirma naman ni Col. Antonio “Sonny” Lim ang pahayag ni Rabusa.

Anito, nang umalis na sa puwesto si Rabusa ay si Lim na ang nagdadala ng pera kay De Leon.

“Isang buwan lamang ako nagdala ng pera kay De Leon. Si Colonel Lim ang pumalit sa akin and he is giving money to General (Carlos) Garcia, who ordered to prepare the money in order to deliver the money to Gen. Cimatu,” paliwanag ni Lim. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply