P84M fake LV nasamsam ng NBI

UMAABOT sa P84 milyon halaga ng pekeng Louis Vuitton ang nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang pagsalakay sa Maynila.

Ang mga sinalakay ay ang stalls 2HB-17, 2K-18, 2M-05,2M-08, 2M-09, 2M-11, 2M-13, 2V-25 at warehouses 2R-7, 2C-15, 2V-25B, 2V-25B,sa 2nd Floor ng 168 Shopping Mall, Soler street, Binondo, Maynila;  Stall 1-15-17B, 1st Floor, stall 2D-17, 2nd Floor, warehouses X & XX, 3rd Floor, 11/88 Shopping Mall, Soler Street, Binondo, Maynila; warehouses  328 &329, 3rd Floor, Manila Textile Market, Soler Street,Binondo, Manila; at warehouse Room 708, 7th Floor, Skylark Condominium, 515 Sales street, Binondo, Maynila.

Sa report, isinumite kay NBI Director Atty. Magtanggol Gatdula, ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD), isinagawa ang nasabing pagsalakay sa bisa ng warrant of arrest  na nagresulta ng pagkakakumpiska ng may 11,201 piraso ng iba’t ibang produkto ng fake Louis Vuitton kabilang ang bags, handbags, pouches, leather case, shoulder bag at iba pang accessories.

Ayon sa NBI tinatayang aabot sa halagang  P84,051,000 o US$1,910,250.00 ang nasamsam na pekeng mga LV. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply