P85-M textbook scam sa Marikina

NASA balag ng alanganin at posibleng pagkasibak sa trabaho at pagkakulong ang kakaharapin ng limang matataas na opisyal ng Department of Education (DepEd), kabilang ang isang opisyal ng Marikina City Hall matapos na pasabugin ng Marikina City Parents-Teachers Association Federation (MCPTAF) ang kuwestiyonableng P85-milyon textbook scandal sa nasabing lungsod.

Base sa isinagawang press conference ng mga miyembro at opisyales ng MCPTAF na dinaluhan ng mga mamamahayag, lumalabas na nadiskubre ng grupo ang maanomalyang pagbili ng Marikina City School Board at ng city government ng textbook na umano’y hindi nagkaroon ng tamang proseso dahil walang nangyaring bidding.

Iginiit ng grupo na dapat papanagutin at kasuhan dahil sa nasabing anomalya sina: Dr. Eduardo V. Lopez, school district supervisor; Dr. Samuel Mergenio, division physical facilities coordinator; Dr. Aurora Divino, district supervisor; Dr. Isabelita Fernandez, division sports coordinator; at ang text book supplier na nakilalang si Dr. Carmelita Palabay.

Tinuran din ng grupo na dapat managot at makasuhan si Marikina City Hall General Services Office (GSO) head Ryan Salvador, na umano’y kasabwat ng nanalong bidder sa pagbili ng tinatayang P85-milyon halaga ng text book na hindi dumaan sa konsultasyon at bidding.

Ayon kay Gary Pasco, tumatayong pangulo ng MCPTAF, makailang ulit na silang humiling sa tanggapan ni Salvador na ipakita ang resulta ng umano’y bidding sa text book, subalit parati silang tinatanggihan nito.

Lumapit ang grupo kay Councilor Mario de Leon, namumuno ng ethics committee ng Sangguniang Panglungsod, para sa pagpapalabas ng dokumento hinggil sa nasabing bilihan ng libro.

Tahasang sinabi ng MCPTAF, partikular ni Pasco, na walang kinalaman si Mayor Del de Guzman sa anomalya.

Nanawagan ang grupo kay De Guzman na imbestigahan ang katiwalian, partikular ang pagkakasangkot ni Salvador ditto.

Nanawagan din ang grupo kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na atasan ang kalihim ng DepEd na imbestigahan ang usapin at parusahan ang sinumang dapat parusahan.

Nagpakita ang grupo ng mga larawang nagpapakita sa mga hinihinalang nakinabang sa anomalya na nasa isang Europe tour.

Ang mga ito umano ay ipinapakita ang mga ito kasama ang supplier na si Palabay habang namamasyal sa mga sikat na lugar sa nabanggit na kontinente. Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply