DOH reminder sa V-Day: safe sex kontra AIDS

KASUNOD ng nalalapit na pagdiriwang ng Valentine’s Day o Araw ng mga Puso, pinayuhan ng Department of Health ang mga magsing-irog na pairalin ang kanilang moralidad at magkaroon ng ‘better judgement’ kung natutukso ang mga ito na makipagtalik.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, kung hindi maiiwasan ng ilang magsing-irog na matuksong makipagtalik ngayong nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, dapat na maniguro ang mga ito ng ‘safe sex’ o pakikipagtalik lamang sa kanilang mga asawa o kapareha.

Magiging malaking tulong aniya ito upang makaiwas sa panganib na mahawa ng HIV/AIDS infection.

Ani Ona, dapat na magkaroon ng ‘better judgement’ o ‘mahusay na pagdedesisyon’ ang mga magsing-irog, kabilang na ang mga kabataang aktibo na sa pakikipagtalik, kapag natutuksong makipag-sex ang mga ito.

Ang paalala ni Ona ay bunga na rin ng paglaki ng mga kaso ng HIV-AIDS cases sa bansa na batay sa talaan ng DOH, umaabot na sa 6,015 ang HIV/AIDS cases simula nang paigtingin ang monitoring ng sakit noong 1984 hanggang taong 2010.

Sa nakalipas na 2010, umabot sa 1,591 ang HIV/AIDS cases na naitala ng DOH, 20 rito ay full-blown AIDS na nang ireport at dalawa naman ang kumpirmadong nasawi. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply