Pabahay para sa mga sundalo, kawani ng AFP pangako ni PNoy

DALAWAMPUNG libong pabahay ang ipinangako ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga sundalo at kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Aniya, kagyat na ipinatupad ang proyekto ng pabahay hanggang makumpleto bago matapos ang taong 2011.

“Itong taon na ito, pangako ko na ayusin ang kakulangan sa pabahay sa kawani ng AFP. May 20,000 ang ipinagkaloob sa mga kawani ng AFP,” ani Pangulong Aquino.

Ikinagalak naman ng mga enlisted, opisyales at maging ng mga plebo sa PMA ang magandang balita na hatid ng kanilang guest of honor sa halos tatlong oras na seremonya ng alumni homecoming ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Anang mga sundalo, magandang senyales ang inihayag ng Pangulo dahil sa pagpapakita ito na iniintindi ang kanilang hanay, partikular na ang junior officers.

Magugunitang matapos maluklok sa Malakanyang si Pangulong Aquino ay binigyan-diin nito ang pagpapatupad ng mga programang kontra sa kahirapan. Axel Sam

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply