‘Pabaon,’ itinanggi nina Cimatu, Villanueva

MAHIGPIT na itinanggi ng dalawang dating AFP chief of staff ang sinasabing multi-milyong pabaon na kinokolekta ni dating military comptroller Gen. Carlos Garcia, kabilang ang buwanang payola at pasalubong pagkatapos maitalaga sa naturang posisyon.

Sa magkakahiwalay na opening statement, itinanggi nina dating Armed Forces chief  Gen. Roy Cimatu at Gen. Diomedio Villanueva na kapwa sila tumanggap ng pasalubong, buwang payola at pabaon nang magretiro sa AFP.

Ayon kay Cimatu, kung may pabaon man siyang tinanggap sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nang magretiro, ito ay ang mga  medalyang nakamit sa panunungkulan bilang sundalo.

“God is my witness. Nagtatrabaho lamang ako,” giit ni Cimatu.

Labis pang ikinalungkot ni Cimatu ang akusasyon ni dating AFP budget officer Lt. Col. George Rabusa na pugad ng korapsiyon ang sandatahang lakas na kanyang pinagsilbihan sa mahabang panahon.

“Sa apat na buwan ng aking panunungkulan bilang AFP chief staff, nakasentro ang aking atensiyon sa pagdurog ng bandidong Abu Sayyaf Group at pagliligtas sa mga bihag nitong sina Gracia at Martin Burnham,” paliwanag ni Cimatu.

Inamin din niya na tumanggap siya ng halagang P10 milyon mula kay Garcia ngunit ginamit niya ito sa ligal na pamamaraan, partikular ang pagbili ng mga suplay ng sundalo na nasa field at operasyon ng kanyang tanggapan.

Sa kanyang panig, sinabi ni Villanueva na tanging retirement pay lamang ang kanyang natanggap sa AFP bilang pabaon nang magretiro sa militar.

“Modest retirement pay lamang ang tinanggap ko,” ayon kay Villanueva. “I did not receive any pasalubong, payola o pabaon.”   Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply