‘Pabaon’ probe ipaubaya na sa husgado

“TAPUSIN na at ipaubaya na lang sa husgado.”

Ito ang panawagan ni Minority Leader Edcel Lagman sa mga kasamahang mambabatas kaugnay sa patuloy na imbestigasyon ng Kamara at Senado sa isyu ng pabaon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kanina, Miyerkules, Pebrero 9 ay pormal nang tinapos ng House committee on justice ang imbestigasyon ukol sa plea bargaining agreement ng Ombudsman at ng dating AFP comptroller na si Ret. Major General Carlos Garcia ngunit nagmatigas sina Senador Antonio Trillanes IV at Senador Jinggoy Estrada na itutuloy pa rin nila ang pagkalkal sa anomalya sa AFP na nauna nang nagsangkot sa pangalan ni dating Energy Secretary Angelo Reyes sa AFP fund scam.

Binigyang diin ng kongresista na ang pagpapakamatay ni Reyes ay magsilbi sanang panawagan sa mga mambabatas na itigil na ang “trial by publicity.”

Bagama’t walang tinukoy na pangalan, sinabi ni Lagman na marami nang lumutang na ebidensya sa tagal ng mga pagdinig at ang kanyang hamon ay ipaubaya na lang sa korte at ilatag na ang mga kinakailangang amiyenda sa mga batas.  Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply