Pabaon probe ipinatitigil muna ni Revilla

HINILING ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. kay Senate Blue Ribbon chairman Sen. Teofisto Guingona III na pansamantalang ipagpaliban ang imbestigasyon hinggil sa “payola at pabaon system” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang paggalang sa pamilya ni dating Defense Secretary Angelo Reyes.

Nagpahatid ng pakikiramay si Revilla sa pamilya ng dating AFP chief, na iniimbestigahan ng Kongreso hinggil sa talamak na katiwalian sa militar partikular sa natatanggap na buwanang payola at pabaon nang magretiro sa serbisyo.

Sinabi ni Revilla na dapat ipagpaliban muna ang nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon dahil maaaring pag-usapan ang naging papel ni Reyes sa iniimbestigahan. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply