Pabaon probe sa AFP tuloy — Guingona

MULING tiniyak ni Sen. Teofisto Guingon III na itutuloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa talamak na korapsiyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng pagbatikos sa pagpapakamatay ni dating AFP chief Angelo Reyes.

Sinabi ni Guingona na lubos siyang nakikidalamhati sa pamilya ni Reyes, ngunit hindi dapat na mapigil nito ang isinasagawang imbestigasyon sa mga anomalyang nabulgar na kinasasangkutan AFP.

“I reiterate the expression of my sincerest condolences to the family of the late Secretary Angelo Reyes.

I affirm the resolve of the Blue Ribbon Committee to continue the investigation on allegations of anomalies at the Armed Forces of the Philippines,” giit ni Guingona.

Naniniwala si Guingona na malaki ang maitutulong ng imbestigasyon upang mabawiang respeto ng taumbayan matapos mabulgar ang mga tiwaling gawain ng militar.

“This is in the hope that we can help this institution which Secretary Reyes served for a long time to regain the respect of our people,” giit ni Guingona.

Ani pa ni guingona naiintindihan niya ang emosyon ng iba’t ibang sektor hinggil sa nangyari kay Reyes ngunit bilang senador ay kailangan nilang gampanan ang trabaho at siguraduhing tama ang resulta ng imbestigasyon.

“As senators of the land, there is a mandate we have to follow, a job we have to perform, and a mission we have to complete. We shall, therefore, make sure that this investigation comes to a rightful conclusion,” sabi ng senador.

Samantala, ipinahayag ni Sen. Francis Escudero na ang susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa isyu ng katiwalian sa AFP ay sa darating na Pebrero 18.Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply