Pabaon’ probe tinabla ni Gng. Ligot

HINDI dumalo ang asawa ni dating military comptroller ex-Lt. Gen. Jacinto Ligot na si Erlinda sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa “pabaon system” sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Sen. Teofisto Guingon III nagpadala si Gng. Ligot ng liham na ipinadala nito sa komite na nagsasabing mayroon siyang sakit na hypertension at makasasama sa kanya ang stress na idudulot ng imbestigasyon.

Iginiit din ni Gng. Ligot na hindi siya puwedeng tumestigo sa sa imbestigasyon dahil may nakabinbin na kasong forfeiture case laban sa kanya.

Ginamit din niya ang karapatan niya umano “against self-incrimination.”

“I, hereby, invoke my right against self-incrimination for we have a pending case before the Ombudsman,” ayon sa liham ni Gng. Ligot.

Ngjnit, ayon naman kay Guingona, hindi tinatanggap ng komite ang katuwiran ni Mrs. Ligot kaya’t magpupulong ito upang pagdesisyunan kung ipapa-subpoena ang kabiyak ng dating heneral.

“May ruling ang komite na hindi tinatanggap ang rason mo (Mrs. Ligot) at hindi salungat sa subjudice rule ang pagdalo niya sa imbestigasyon, kaya’t magpupulong ang komite upang pagdesisyunan kung subpoena ang ipapadala sa kanya,” giit ni Guingona. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply