Pacman aarya na sa ensayo

SASABAK na sa matinding ensayo si 8-division world champion Manny Pacquiao bilang paghahanda sa nalalapit na pakikipagbasagan ng mukha kay 5-time world champion Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 7.

“Sisimulan ko na ang pag-wawarm-up para sa dalawang buwang training,” ani Pacquiao na kababalik  lang ng bansa mula sa California.

Sinabi rin ni Pacman na sa Marso 8 ay aakyat siya sa Baguio City para sa isang buwang training kasama si coach Freddie Roach at sa Abril 2 ay lilipad sila sa Wild Card Gym sa LA para sa huling yugto ng ensayo para sa pagdepensa niya ng kanyang WBO welterweight title kontra Mosley.

Naniniwala ang marami na madaling pababagsakin ni Pacman si Mosley dahil sa medyo uugod-ugod na ito at hindi maganda ang ipinakita nito sa huling dalawang laban nito.

Kamakailan, ipinahayag ni US president Barack Obama na mananalo si Pacman kay Mosley.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply