Pacman, Arum kakasuhan ng WBC

DAHIL sa hindi pagbabayad ng sanctioning fee na nagkakahalaga ng $80,000, nagbanta kahapon si World Boxing Council president Jose Sulaiman na sasampahan niya ng kaso sina 8-division world champion Manny Pacquiao at Top Rank promoter Bob Arum.

“Kapag hindi nila binayaran ang sanctioning fee sa loob ng 48 hours ay sasampahan ko na sila ng pormal na kaso sa korte,” ani Sulaiman sa isang interview.

Ang $50,000 umano ay sanctioning fee para sa panalo ni Pacquiao kay Oscar De La Hoya noong Disyembre 2006 at ang $30,000 ay para sa rematch ni Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong Marso 15, 2008.

“Matagal ko na silang sinisingil subalit parang binabalewala lang nila ito,” galit na wika ni Sulaiman.

Sinabi naman ni Pacman na hindi niya alam na may utang pa sila sa WBC at nangakong iaayos agad ang problema sa lalong madaling panahon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply