Pacman binastos ng WBC, tinanggalan ng Jr. middleweight title

SINIMULAN ng iparamdam ni World Boxing Council President Jose Sulaiman ang kanyang malalim na tampo at ngitngit kay General Santos Representative at 8-division world champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao dahil sa hindi nito pagbabayad ng sanction fee at hindi pagtaya sa hawak na WBC junior middleweight title sa laban kontra kay 5-time world champion Shane “Sugar” Mosley.

Ito’y matapos nilang bawiin kay Pacman ang hawak na WBC jr middleweight title  sa pamamagitan ng botohan ng WBC board  of governors dahil sa pagkabigo nitong depensahan ang 154-pound title na nasungkit niya kontra kay Antonio Margarito.

Halatang galit lahat kay Pacman ang opisyal ng WBC dahil lumabas na unanimous ang botohan na nagpapahayag na talagang gusto nilang tanggalin kay Pacman ang titulo na wala pang isang taong hawak ng sikat na Pinoy boxer.

Una rito tahasang sinabi ni Sulaiman na nagtatampo siya kay Pacman dahil sa hindi pagbabayad ng sanction fee na nagkakahalaga ng $80,000 at imbes na WBC title ang idepensa ay ang kanyang WBO welterweight crown  ang tinaya.

Sinabi naman ni Pacman na wala na rin siyang ganang idepensa ang  kanyang WBC title dahil masyado siyang dehado sa bigat at laki ng kalaban.

Maaalalang nagulpi ng husto si Pacman sa laban nila ni Margarito dahil sa malaki at malakas ang Mehikano sa 154 weight limit. Nagawa lang talunin ni Pacman si Margarito dahil sa kanyang bilis at lakas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply