Pacman dumating na sa Washington

DUMATING na si eight-division champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Washington DC na sinalubong naman ni Nevada Senator Harry Reid.

Sa ginawang mensahe ni Reid, pinuri nito si Pacquiao sa kaniyang naging achievements sa boksing at sa pagseserbisyo sa bayan.

“I want to recognize briefly a true friend of Nevada’s from the other side of the world, Manny Pacquiao. He is in Washington today. Every time I leave a meeting with him, I come away more impressed… But no one in our national legislature, or any other, comes close to the level of worldwide fame of the Congressman from the southern tip of the Philippines, Manny Pacquiao. Congressman Pacquiao, of course, is also boxer who holds many other titles beyond that of lawmaker. He holds the title of super welterweight world champion in both the World Boxing Council and World Boxing Organization,” batay sa maikling mensahe ng Senador.

Ayon naman kay Pacman, isang di malilimutang karanasan sa kaniyang buhay ang pagbisita sa Capitol Hill.

“This is an unforgettable moment in my life,” masayang sinabi ni Pacquiao.

Bilang simbolo ng pagkakaibigan, nagpalitan sina Reid at Pacquiao ng bandila.

Nakatakda ring magkita ngayon sina Pacman at ang pinakamakapangyarihang tao sa buong bansa na si US President Barack Obama at Pacman. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply