Pacman ipagtatayo ng rebulto sa airport

NASA mainit na deliberasyon sa Kamara ang panukalang paglalagay ng istatwa ni pambansang  kamao at Saranggani  Rep. Manny Pacquiao sa center island ng Airport  Road (Old Domestic Airport Road Junction)  malapit sa Manila Domestic Airport sa Paranaque  City.

Sa ginanap na  pagdinig  kahapon ng House committee on Youth and  Sports Development, iprinisinta at ipinagtanggol ni San Juan Rep. Joseph Victor (JV) Ejercito ang nilalaman ng kanyang HB 3699 sa House Panel.

Nakasaad sa panukala ng mambabatas ang paglalagak ng istatwa ni Pacquiao dahil ito ay sumisimbolo  ng pangarap ng isang Pilipino dahil siya ay nagmula sa naghihikahos na pamilya.

“Sa murang edad ni Pacquio ay hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para matulungan lamang ang pamilya sa pamamagitan ng pagpasok sa boksing,” ani Ejercito.

Hinimok ang National Historical Institute (NHI) na siyang mangasiwa ng konstruksyon, superbisyon at pagmantine ng nasabing istatwa dahil magsisilbi itong parte ng historical landmarks ng bansa. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply