Pacman-Obama magkikita na sa Pebrero 15

NILALAKAD na ng Top Rank Promotions ang pagkikita nila Barack Obama, presidente ng Estados Unidos at 8-division World Champion Manny Pacquiao sa Washington DC sa Pebrero 15, 2011.

Ibinalita ni Bob Arum,  ang Top Rank promoter na posibleng sa Pebrero 15 na magtatagpo sina President Obama at Pacman sa final stop ng press tour ng Pacquiao-Mosley fight na gaganapin sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada sa Mayo 7.

Ayon naman sa adviser ng pound-for-pound king na si Michael Koncz, hinihintay na lamang nila ang kumpirmnasyon sa pagbisita ni Pacman sa  White House upang makaharap si Obama.

Samantala, hindi lamang si Arum ang nakikipag-ugnayan sa White House para sa meeting nila Obama at Pacman, kundi maging si US Senate Majority Leader Harry Reid. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply