Pacman welter champ pa rin — WBO

IPINAGDIINAN kahapon ni WBO president Francisco “Paco” Valcárcel na walang katotohanan na inalisan na nila ito ng korona.

Ang pahayag na ito ni Valcárcel ay tugon sa pahayag ng WBC na tinanggalan na nila ito ng titulo.

“Unfortunately, we have to clarify that the WBC words about the removal of Pacquiao’s title are not true because Pacquiao said after he won the 154-pound title that he will not fight in the junior middleweight division and came back to 147 pounds,” pahayag ni Valcárcel.

Idinagdag niya na ang WBO welter championship belt ang idedepensa ni Pacman sa kanilang laban ni Shane Mosley sa Mayo 7.

“Pacquiao’s figure deserves more respect,” diin pa ng WBO official. GP


About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply