Pacquiao, Justin Bieber magba-basketball?

DUMATING ang Team Pacquiao sa Amerika kahapon, Huwebes, Pebrero 10 (petsa sa Pilipinas) para i-promote ang laban nila ni Sugar Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinalubong sa Los Angeles International Airport ng fans ang pound-for-pound king upang makita ang kanilang idol.

Subalit nabigo silang makita ang world boxing superstar dahil idinaan si Pacquiao sa ibang exit para umano matiyak ang seguridad nito.

Agad namang Humingi ng paumanhin sa fans si Pacman sa pamamagitan ng kanyang adviser na si Michael Koncz.

“It’s fabulous. I’m glad we got so much fan support for Manny. And I hope the fans understand he went out a different door. He’s a little tired and wants to go home as quickly as possible,” pahayag ni koncz.

Samantala, posible umanong maglaro ang Pambansang Kamao sa NBA All-Celebrity Game sa Los Angeles, California pagkatapos ng promo tour.

Dito ay maaari niyang makasama at makalaro ang sikat na international singer na si Justin Beiber.

“That’s something we talked about on the plane and (Pacquiao) hasn’t given me his final decision yet,” ani Koncz.

Makakaharap naman ni Pacman si Mosley sa LA, Biyernes, Pebrero 11 (Huwebes, Pebrero 10 sa Amerika) para pag-usapan ang kanilang nalalapit na laban. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply