Pacquiao lalaro sa NBA All-Star Celebrity Game, kakampi si Justin Bieber

BUKOD sa meeting kay US President Barack Obama, inaasahan na rin ang paglalaro ni pound for pound king Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa 2011 NBA All-Star Celebrity Games ngayong Pebrero 19 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Ayon sa source, makakasama ni Pacquiao si Jimmy Kimmel ng “Jimmy Kimmel Live” at Grammy-nominated artist Justin Bieber at iba pang celebrities mula sa Hollywood at mga nagretiro nang NBA players kagaya nina Scottie Pippen ng Chicago Bulls at Magic Johnson ng Los Angeles Lakers.

Nilinaw naman ng source na hindi pa kumpirmado ang pagsali ni Pacquiao sa NBA All-Star Celebrity Games at wala pang formal announcement tungkol dito.

Kilala si Pacquiao bilang isang die-hard basketball enthusiast at palagi itong naglalaro ng basketball kahit nasa kalagitnaan ng training para sa kanyang boxing match.

Ang Pambansang kamao rin ang may-ari ng MP Gensan Warriors na naglalaro sa isang commercial league.

Tagahanga ni Pacman si Boston Celtics Ray Allen, Paul Pierce at Kevin Garnett.

Nasa Los Angeles, California ngayon si Pacquiao para sa press tour ng laban nila ni Sugar Shane Mosley sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 7.

May nakatakda ring meeting si Pacquiao at asawang si Jinky kay Obama at sa misis nitong si Michelle sa White House ngayong Pebrero 15. Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply