Pacquiao, Mosley nagtitigan ng malagkit sa face off

MALAGKIT na titigan at tila nagpapalitan ng suntok ang resulta ng unang pagkikita nina 8-division world champion Manny Pacquiao at 5-time world champion  Sugar Shane Mosley sa isinagawang press conference sa Beverley Hills Hotel, sa Los Angeles, California.

Inanunsiyo ni Top Rank promoter Bob Arum ang pagdepensa ni Pacquiao ng kanyang WBO welterweight crown kontra Mosley ngayong Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Pacman na umaasa siya na magiging maganda ang laban nila ni Mosley at masiyahan ang fans.

“Mosley magsanay kang mabuti para sa laban natin,” paya ni Pacman kay Mosley sa isang interview.

Pahayag naman ni Mosley na ito na ang pinakamalaking laban sa kanyang boxing career kaya’t ipinapangako nya na pababagsakin nya ang pound-for-pound king.

Gaganapin ang susunod na press tour sa Las Vegas pagkatapos ay  tutuloy sila sa New York bago pumunta si Pacquiao sa Washington DC upang makipagkita kay kay US President Barack Obama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply