Pacquiao handa na sa NBA All-Star Celebrity Game

SIGURADO nang maglalaro sa 2011 NBA All-Star Celebrity Game si pound-for-pound King Manny “Pacman” Pacquiao sa Biyernes, Pebrero 18, na gaganapin sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Makakakampi ni Pacman ang sikat na celebrity pop star na si Justin Bieber, basketball legend Magic Johnson, Scottie Peppin, AC Green, Bill Walton, B.J. Armstrong, Chris Mullin, Jalen Rose at marami pang iba.

Ang komendyanteng si Jimmy Kimmel at kolumnistang si Bill  Simon ang tatayong general manager ng dalawang koponan ng mga celebrities na nagmumula sa sports, films, TV at music.

Ang Celebrity Game ay isa sa mga activities sa NBA All-Star Weekend, kung saan kasama rin dito ang Slam Dunk Contest, Skills Challenge, Three-Point Shootout, Shooting Stars Competition, Rookie Challenge at ang NBA All-Star Game na gaganapin sa Pebrero 20.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply