Pacquiao,Obama nagboksing sa Whitehouse

MUNTIK nang magkaroon ng stampede sa labas ng White House nang magtungo roon si Manny at Jinkee Pacquiao para makipagkita kina President Barack Obama at Sen. Harry Reid.

Nagkaroon ng private audience ang mag-asawa kasama si Obama kahapon ng umaga.

“I’m happy,” ang tanging nabanggit ni Pacman subalit ang media ay hindi pinayagang makalapit sa loob.

Maging ang mga organizers at mga kasapi ng Team Pacquiao ay hindi rin pinayagang makapasok sa pribadong silid na pinagmitingan.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng minor accident sa labas ng White House nang sumugod ang mga motorista para kumuha ng videos at photos sa boxing icon.

Nakipagkamay si Obama kay Pacquiao at sinabing idolo niya ang Pinoy ring icon.

Binigyang ni Obama si Pacman ng isang pakete ng M&M chocolates na may presidential seal at nagpakuha ng larawan kung saan ang mga tsokolate ay ibibigay ni Jinkee sa kanilang mga anak pag-uwi nila ng bansa sa Peb. 18. GP

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply