Pag-aangkat ng bigas, di kailangan–DA

KUMPIYANSA ang Department of Agriculture na hindi kinakailangan ang pag-angkat ng maraming bigas ang departamento ngayon.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, kasunod ng pagpapalakas ng supply ng bigas sa bansa, abala rin ang departamento sa pagsasaayos ng irrigation system.

Nabatid na maganda ang kondisyon ng palay ngayon kaya kumpiyansa ang departamento na hindi magkukulang ang supply ng bigas sa bansa.

Kaugnay nito, isinusulong ng DA ang pagpaparami ng white corn sa bansa upang mabawasan na rin ang demand ng palay.

Ayon sa pag-aaral ng departmento, apat na milyon na Pilipino ang kumakain ng white corn. Napipilitan lamang kumain ng palay dahil sa hindi sapat ang supply ng naturang produkto. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply