Pag-amyenda sa Tariff and Customs Code isinulong

ISINULONG ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara ang pag-amyenda sa mga probisyon ng Tariff and Customs Code hinggil sa kampanya laban sa pagpupuslit o smuggling sa bansa gayundin ang modernisasyon ng Bureau of Customs BoC.

“We cannot forever tolerate the loss of billions of pesos, which could be used in upgrading our human infrastructure through accessible quality education for our people,” sinabi ni Angara na pangunahing may-akda ng House Bill 572 na layong repasuhin ang Tariff and Customs Code.

Partikular na ikinababahala ng kongresista ay ang walang patumanggang paglalabas ng temporary restraining orders at injunctive relief ng mga korte pabor sa mga smugglers.

Ikinatuwa naman ni Angara ang suporta ng lehitimong sektor ng pagnenegosyo (kapwa sa foreign at local chambers of commerce) gayundin ang pagbibigay prayoridad ng liderato ng Kamara sa mga panukala upang malabanan ang talamak na smuggling.

Kasalukuyang nakasalang sa mga pampublikong pagdinig ng Committee on Ways and Means ni Rep. Hermilando Mandanas ang paghimay sa umiiral na Tariff and Customs Code gayundin sa mga katulad na batas.

Sakaling maisabatas, layon ng HB 572 na palakasin pa ang disposisyon sa mga nakukumpiskang kontrabando ng BoC.

Bukod dito, mabibigyan na rin ng kapangyarihan ang kalihim ng Department of Finance, sa rekomendasyon ng Commissioner ng BoC, na kunin at ibenta ang mga nasasakoteng ilegal na kargamento.

“Moreover, no temporary restraining order shall lie against the seizure and disposition of the said goods,” giit ni Angara.

Binigyang diin pa ng mambabatas na ang administrative summary proceedings ang maituturing na epektibong sistema upang sugpuin ang smuggling.

Isinusulong din ni Angara na sa antas lamang ng Korte Suprema maaaring magkaroon ng apela at hindi sa mga Regional Trial Courts upang mapigil ang pagkumpiska sa mga pinuslit na produkto o ang pagbabayad para sa mga sasakyang ginamit sa smuggling. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply