Pag-aresto kina Roger Dominguez, Jason Miranda ligal, ayon sa CIDG

NAAAYON sa batas ang pag-aresto ng awtoridad sa dalawa pang suspek sa pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Atty. Virgilio Pablico, abogado ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nabatid na pormal na silang nagsumite ng kanilang sagot sa counter-affidavit ng suspek na si Roger Dominguez at sa urgent motion to release ng kasama nitong si Jason Miranda.

Sinabi ito ni Pablico matapos ang pagpapatuloy ng preliminary investigation laban sa dalawang suspek nitong Martes ng hapon, Pebrero 22.

Kasama ng mga pulis na kontra sa hirit ng dalawang suspek ang may-bahay ng biktima na si Mary Grace Evangelista, na tumatayong complainant sa nasabing kaso.

Matatandaan na sa kanyang kontra-salaysay, mariing itinanggi ni Roger ang paratang at iligal umano ang pag-aresto sa kanya dahil wala namang warrant of arrest na iprinisinta ang mga pulis nang dakpin siya.

Iginiit ni Pablico na marami umanong testigo na nagsasabing sangkot si Roger sa pagpapatay kay Evangelista.

Sa kaso naman ni Miranda, ayon kay Pablico, hindi totoong walang warrant of arrest laban sa kanya nang arestuhin ng mga pulis.

Aniya, hindi na umano kailangan na ipakita pa ang warrant of arrest kay Miranda para masabing ligal ang pag-aresto sa kanya nang mga oras na hinuhuli siya ng awtoridad.

Napag-alaman na sabit sa kasong carnapping sina Roger at Jason sa sala ni Judge Ofelia Tuazon Quinto ng Regional Trial Court (RTC) Branch 60 ng Angeles City at inisyu ang warrant of arrest laban sa kanila noong Hulyo 16, 2010. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply