Pag-atras ng CBCP sa usapin ng RH bill, nirerespeto ng Malacañang

NIRERESPETO ng Malacañang ang pagsuspende ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang pakikipag-usap sa pamahalaan hinggil sa Reproductive Health (RH) bill.

Sa mensaheng ipinadala ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda, sinabi nitong bagama’t nakakalungkot ang naging desisyon ni CBCP president at Tandag Bishop Nereo Odchimar na umatras sa pakikipagdiyalogo sa Executive Department ay kailangan pa rin umanong tuparin ng pamahalaan ang mandato nito sa taong bayan sa posisyon ng Pangulong Noynoy Aquino sa usapin ng Responsible Parenthood.

“While we respect Bishop Nereo P. Odchimar’s decision, it is unfortunate that he chose to suspend the dialogue with the Executive Department, through no fault on our part, and notwithstanding the fruitful discussions of the past two sessions.  Having said that however, we have a responsibility to our people and we will fulfill that mandate consistent with the 5-point position of the president regarding Responsible Parenthood,” bahagi ng mensahe ni Atty. Lacierda.

Una rito, sinuspende ng CBCP ang pakikipag-usap sa gobyerno hinggil sa kontrobersiyal na isyu ng RH bill.

Sa isang opisyal na kalatas, ipinaalam ni Odchimar sa Pangulong Benigno Aquino ang desisyon ng kanilang samahan na umatras muna sa pag-uusap.

“In view, however, of the pastoral letter that the Catholic Bishops issued on the matter last January 31, and considering the speed in the ongoing legislative processes both in the Lower House and the Senate, I deem it prudent to suspend in the meantime further talks with the Executive Department,” ani Bishop Odchimar.

Maalala na una na ring nagpalabas ng pastoral letter ang CBCP sa masidhing pagtutol nito sa kontrobersiyal na panukalang nakabinbin sa Kongreso.

Liban sa pastoral letter na binasa sa mga Simbahang Katoliko sa bansa, tuloy tuloy din ang panalangin sa mga misa ng pagdarasal na tinaguriang Oratio Imperata para sa “Respect of All Human Life.”

Nitong nakaraang linggo, nakalusot na sa House appropriations committee ang budget para sa reproductive health programs sa ilalim ng panukala.

Sinabi ni Minority leader at Albay Rep. Edcel Lagman na aabot sa P3 billion ang ilalaan ng pamahalaan sa nasabing programa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply