Pag-impeach kay Gutierrez lalong naantala

TINIYAK ni House Minority Floorleader at Albay Rep. Edcel Lagman na imbes na mapadali ang nakahaing impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Kamara ay lalo lamang itong maaantala dahil sa pagiging apurado ng ilang mambabatas na isulong na ito sa proceeding.

Iginiit ni Lagman na  ang pagiging apurado ng House Committee on Justice sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings ay maling desisyon lalo na’t wala pang finality ang desisyon ng Korte  Suprema hinggil sa status quo ante order dahil sa posible pa ring paghahain ng apela  ng kampo ni Gutierrez.

Binigyang-diin pa ng lider ng minorya sa Kamara ang pangangailanga ng pagkilala rin ng mga house leader at  ng  House  committee on Justice sa hurisdiksyon ng Korte Suprema sa mga bagay ng pagsulong ng mga  pleadings and  appearing for oral argument kaugnay sa petisyon ng Ombudsman.

Mungkahi nito ay maghintay at  huwag padalus-dalos hanggang  wala pa ring kapasyahan ang kataas-taasang hukuman sa petisyon ni  Gutierrez.

Ang justice committee ay  may nakalaang 60-day period sa pagresolba sa impeachment case kaya ito  ay magdedepende sa ma giging   proceedings ng Korte Suprema hinggil sa  magiging apela ng Ombudsman.

Sa naging hakbang  ng  comittee kamakailan lamang ay nagbigay na ng kautusan kay Ombudsman Gutierrez  na  sagutin ang  dalawang  reklamong nakahain laban sa kanya para  patalsikin sa kanyang puwesto.  Beth Aragon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply