Pag-isyu ng mining permit sinuspinde

SINUSPINDE ni Environment Secretary Ramon Paje ang pagkuha ng bagong mining permit sa buong Pilipinas, iniulat Biyernes, Pebrero 18.

Sa report, inatasan na ni Paje ang lahat ng regional director ng Mines and Geo-sciences Bureau na huwag nang magproseso ng bagong mining applications.

Ginawa ito upang linisin ang regional offices sa mining applications at inactive mining projects.

Inatasan din ni Paje ang MGB officials na huwag nang tumanggap ng bagong applications para sa mining permits, tulad ng exploration permit, mineral production sharing agreement,  financial o technical assistance, kasama na ang industrial sand at gravel permit.

Batay sa record ng MGB, may 2,180 pending mining applications sa MGB regional offices.

Liban sa mga pending mining applications, ang exploration contracts na paso na ng limang taon o higit pa, at mining contracts na tatlong taon nang hindi nakapagpapatupad ng work programs ay bibigyan na rin ng pinal na aksyon.

Ani Paje, ang nasabing suspensyon ay bahagi ng pagreporma sa mining sector upang maiayos ang pamamalakad sa likas na yaman ng bansa. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply