PAGASA nagbabala ng matitinding pag-ulan

MATITINDING pagbuhos ng ulan ang dapat na asahan ng publiko sa darating na Marso, taong kasalukuyan.

Ito ang naging babala ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Acting Administrator Nathaniel Servando bunsod ng La Niña, amihan at tail-end of the cold front.

Ayon sa ulat, sa nakalipas na buwan ay nakapagtala ng 300 porsiyentong karagdagan sa buhos ng ulan sa Surigao City at sa iba pang bahagi ng Caraga region.

Sinabi ni Servando na malaki ang posibilidad na tumagal pa ang epekto ng La Niña hanggang sa Abril kaya magkakaroon ng wet summer ang bansa.

Sinabi naman ni Department of Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul na mararanasan din sa bansa ang mas marami at malalakas na bagyo kumpara sa nakaraang taon.

Tiniyak nito na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa ganitong sitwasyon dahil maging ang ilang Asian countries at Australia ay nakararanas din ng tinaguriang “creeping disaster” dulot ng climate change.

Kaugnay nito, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman na umaabot na sa P37.7M (P10.5M mula DSWD at P24M mula LGUs) ang halaga ng assistance na ginastos ng gobyerno para sa mga
biktima ng kalamidad.

Ito umano ay ipinambili ng damit, food relief at iba pang gamit mula noong Disyembre 2010. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply