Pagbabati nina Toni and Mariel, gimik lang

NAPILITAN nga lang ba ang pagbabati nina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga?

Ayon sa tsika ng aming tsismosang kapitbahay, pinagbigyan lang daw itong management ng Dos for the sake na mayroon silang project na pagsasamahan sa bakuran ng Kapamilya.

Kahit pa nga sinabi ng Dos na tinuldukan na ng dalawa nag isyu na namagitan na away sa dalawa ay hindi pa rin bilib ang aming tsismosang kapitbahay sa pagsasabing bati na nga ang dalawa.

May mga time nga raw na nagdededmahan pa rin itong sina Toni at Mariel, pinagbigyan nga lang daw ang management para sa gagawin nilang bagong project sa Dos.

Matagal daw na pinag-isipan ng management na buoin ang grupo nina Mariel, Toni, Randy Santiago at ang nagbabalik bakuran ng Dos na si John Estrada.

Kahit nga raw plastikan lang ang pagbabati nina Mariel at Toni ay deadma na ang management ng Dos ang mahalaga ay itong bagong noontime show na bubuksan nila na ang magho-host nga ay itong sina Randy, John, Mariel at Toni.

Ang tanong naman ng aming tsismosang kapitbahay hindi ba raw natakot si Toni na tapatan ang dating programa na kung saan doon siya nagsimula, ang Eat Bulaga.

Ayon naman sa kampo ni Toni na trabaho lang at wala daw personalan kumbaga, eto na raw ‘yung opportunity na kusa ng lumalapit hindi pa ba daw susunggaban ni Toni.

Kahit nga matatapatan ang Eat Bulaga sa pagsasama samang puwersa nina Mariel, Toni, John at Randy ay may respeto pa rin si Toni sa lahat ng mga taga EB lalo na raw sa mga executives nito.

Trabaho lang daw ito ayon pa sa kampo ni Toni, hindi naman naalarma ang taga TAPE Inc., sa bagong programa ng Dos na itatapat sa kanila at kampante sila sa patuloy na pamamayagpag sa ere.

Bilib naman ang Dos sa apat na napisil na magiging main host ng bagong noontime show ng Kapamilya kahit pa pilit na iniintriga na plastikan lang ang pagbabati nitong si Toni at Mariel na magsasama sa bagong

noontime show ng Dos.

‘Yun na! Jovi LLoza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply