Pagbebenta ng ‘botcha’ dapat matigil na – Villar

DAPAT na umanong matigil ang pagbebenta ng mga botcha o double-dead na karne sa mga pamilihan dahil sa peligrong dulot nito sa kalusugan ng tao.

Dahil dito, ikinakasa ni Senador Manny Villar ang pagdinig sa Senado kaugnay sa hindi mapigil na pagbebenta ng botcha para matigil na paglaganap nito.

Base sa impormasyong nakalap ni Villar, chairman ng senate committee on trade and commerce,  lumalaki ang posibilidad na kumalat ang sakit sa mga hayop gaya ng foot and mouth disease, hog cholera at bird flu dahil sa haba ng oras na ibinibiyahe ang botcha o double dead na karne.

“The Department of Health has warned that people who eat botcha or double-dead meat could contract all sorts of illnesses such as diarrhea and sepsis, which can lead to death,” ani Villar.
Ayon sa senador, sa halip umanong ilibing ang mga baboy na namatay sa sakit, ibinebenta pa ito ng mga may-ari sa mababang halaga.

Kahit araw-arawin ng pulisya ang pag-raid sa mga pamilihan na nagbebenta ng double-dead na karne, patuloy pa rin ang bentahan nito sa mga palengke sa Metro Manila.

“Although numerous raids and buy-bust operations have been conducted, botcha meat dealers remain fearless because they can easily pay off the paltry fines when caught,” ani Villar.

Nais ni Villar na makapagbalangkas ng kaukulang panukalang batas para matigil na ang pagbebenta ng double-dead na karne sa mga palengke. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply